Nina Malu Manar at Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon)
KIDAPAWAN CITY, Philippines - Isa na namang brodkaster ang napatay matapos pagbaba rilin ng
riding-in-tandem sa Barangay Bitan-agan, Mati City,
Davao Oriental kahapon ng hapon.
Pitong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Nestor
Libaton, 45, anchorman/reporter ng dxHMAM radio na nakabase sa nasabing
lungsod.
Ayon sa police report, pa uwi na ang biktimang nakamotorsiklo
kaangkas ang isa pang reporter na si Eldon Cruz mula sa piyesta sa Barangay
Ompao sa bayan ng Tarragona,
Davao Oriental nang maganap ang pamamaril.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na sinundan ng tandem
ang biktima mula sa Barangay Ompao at pag s apit sa may Barangay Enrique Lopez
sa Mati City ay bumaba ang biktima at
kinumpronta ang sakay ng motorsiklong sumusunod sa kanila.
Sa halip na
sumagot ay niratrat ang biktima habang di-naman ginalaw si Cruz, ayon pa sa
report.
Sa phone interview kay Nella Duallo, news writer ng nasabing
radio station walang nababanggit sa kanila si Libaton na kaaway at hindi rin
aniya ito hard hitting na anchorman.
“Mabuti ho siyang
tao, wala naman kaming alam na kaaway niya,” ani Duallo kasabay ng pag-apela sa
mga awtoridad na masusing imbestigahan ang kaso upang matukoy at maaresto ang
gunmen.
Nangako si Mati City Ma yor Michelle Rabat na gagawin ang
lahat para makamit ng pamilya ni Libaton ang hustisya.
No comments:
Post a Comment