Tuesday, September 18, 2012

Ka Nene, beteranang mamamahayag, 59


By Dino Balabo


GUIGUINTO, Bulacan—Ipinagdalamhati ng kapamilya, mga kaibigan at mamamahayag sa Bulacan ang biglaang pagpanaw ni Maria “Nene” Bundoc-Ocampo. Siya ay 59.

Ayon sa pamilya ng mamamahayag, si Bundoc-Ocampo na mas kilala sa tawag na “Ka Nene” ay pumanaw bandang alas-8 ng gabi ng Lunes sa Quezon City General Hospital (QCGH) matapos atakihin sa puso.

Ayon pa sa impormasyong inilabas ng mga kapamilya at kaibigan, nagsimulang makaramdam ng di maganda si Ka Nene noong Biyernes at isinugod sa Bulacan Medical Center (BMC) noong Linggo, Setyembre16.

Inilabas siya ng BMC noong Lunes ng madaling araw, ngunit muling isinugod sa La Consolacion Hospital sa bayan ng Plaridel kinaumagahan hanggang sa ilipat sa QCGH kung saan siya binawian ng buhay.

Naulila ni Ka Nene ang kanyang kabiyak na si Roberto, at mga anak na sina Roberto Jr., Nico Diwa, Ana Hiyas, at Buhay Isaias at pitong apo.

Ang kanyang labi ay kasalukuyang nakaburol sa kanilang tahanan sa Mabiyaya Street, Masagana Subdivision, Barangay Sta. Rita sa bayang ito. Wala pang itinakdang araw ng libing.

Ang pagpanaw ni Ka Nene ay ikinalungkot ng mga kapwa mamamahayag matapos itong mabalitaan sa pamamagitan ng text message at facebook.com.

Karaniwan sa mga mensaheng ipinost patungkol sa pagpanaw ni Ka Nene ay “Condolence po,” “lubos po kaming nakikiramay,” “malaki siyang kawalan,” “nami-miss ko na agad siya.”

Ito ay nagmula sa mga kaibigan, kapwa mamamahayag at mga kasapi ng ibat-ibang sangay ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), Philippine Press Institute (PPI), at maging sa Brotherhood of Christian Businessmen and Professionals (BCBP) kung saan ay naging aktibong opisyal at kasapi si Ka Nene.

Bilang isang mamamahayag, si Ka Nene ay nagsimula sa Philippine News Agency (PNA) bilang Pilipino Editor sa ilalim ng pamamatnubay ng yumaong si Jose L. Pavia, ang dating general manager ng ahensiya.

Si Ka Nene ay isa rin sa orihinal na mamamahayag na nagsimula at nagtatag ng pahayagang Mabuhay na inilathala ni Pavia sa Bulacan noong 1980.

Nagsilbi rin siyang desk editor ng Pilipino Star Ngayon noong huling bahagi ng dekada 80, kung kailan ay sinimulan niyang ilathala ang pahayagang Punla, isa sa dalawang lokal na pahayagan sa Bulacan na kasapi ng PPI.

Bilang isa sa mga unang babaeng mamamahayag sa Bulacan, si Ka Nene ay ilang beses din nakaranas ng pananakot; at bilang tagapalathala ng pahayagang Punla, nagpakita siya ng matatag na paninindigan sa katotohanan.

Sa mahabang panahon ng kanyang pamamahayag, si Ka Nene ay tumanggap ng ibat-ibang parangal, kabilang ang Gawad Plaridel na tatlong beses niyang tinanggap mula sa pamahalaang panlalawigan ng Bulacan.

Nagsilbi rin siyang guro sa Bulacan State University (BulSU), at tagapagasanay sa ibat-ibang training workshop na inorganisa ng pahayagang Punla at ng NUJP.

Si Ka Nene ay ang ikatlong mamamahayag sa Bulacan na binawian ng buhay sanhi ng sakit sa taong ito.

Ang una ay si Bienvenido Ramos, ang dating punong patnugot ng Liwayway Magazine, at Mariz Jaucian ng pahayagang Bagong Tiktik.

Si Ramos ay pumanaw noong Abril, at si Jaucian ay nitong unang linggo ng Setyembre.

Wednesday, July 18, 2012

Radyo Bulacan is now online

Add caption
LISTEN.  Now, you can watch and listen to you favorite 

 programs aired over Radyo Bulacan by going online.  Just
 
 log on to www,ustream.tv and search for RTV Bulacan. or

 simply type on the URL field:  www.ustream.tv/channel

/rtv-bulacan.

Metrobank Journalist of the Year Awards

 SHAPING THE NATION THROUGH POWERFUL STORIES.  True to its tradition of recognizing excellence and in celebration of its 50th year, the Metrobank Foundation Inc. (MBFI) will once again award the best journalists from print, broadcast and online media for 2012.  Via the signing of a memorandum of agreement for the Journalists of the Year (JOY) Awards, the MBFI  has partnered with the Probe Media Foundation Inc. (PMFI) to administer the awards program  that will include nomination, screening and judging a journalist's body of work for the last five years. "Metrobank has always been exposed in the sectors that are concerned with development.  The media for one, have been very helpful,"  says Aniceto M. SobrepeƱa, President of MBFI.  In November 2001, Sheila Coronel, Dean Armando Malay and Jessica Soho became the first batch of awardees.  In the photo are: MBFI Executive Vice President Elvira Ong Chan, MBFI President Aniceto M. SobrepeƱa, PMFI Founder and Trustee Cheche Lazaro, PMFI Vice President Twink Macaraig; (standing) MBFI Executive Director Nicanor L. Torres, Jr. and PMFI Executive Director Yasmin Mapua-Tang.

Tuesday, June 5, 2012

Philippine Press Institute oppose Angara's privacy bill


The Philippine Press Institute objects to the proposed
. . .ACT PROTECTING INDIVIDUAL PERSONAL INFORMATION IN INFORMATION AND COMMUNICATIONS SYSTEMS IN THE GOVERNMENT AND THE PRIVATE SECTOR, CREATING FOR THIS PURPOSE A NATIONAL PRIVACY COMMISSION, AND FOR OTHER PURPOSES

because it violates the constitutional freedoms of expression and the press.
We are not, however, closing our minds to any discussions –  with your sector and any other that may want to involve itself in them  – about matters involving those freedoms, especially where they become a potential subject of any legislation.

Call to oppose 2 counter-FOI bills


FOR PRESS FREEDOM AND FREEDOM OF INFORMATION:
OPPOSE HB 5835 AND SB 2965

Certain members of the 15th Congress apparently have no knowledge of, or have chosen to ignore, the fact that freedom of information is a human right, and that

It would not matter were these individuals not charged with the task of legislation.  The fact that they are, together with their antipathy to freedom of information and a free press, constitutes a mix lethal for free expression and freedom of information in the Philippines.

Two bills, one in the initial stages of the legislative process, and the other on the brink of approval by both houses of Congress, are illustrative.

In the House of Representatives, Congressman Lord Allan Jay Velasco of Marinduque has filed several bills, including House Bill (HB) 5835 which would increase the fine for each count of libel. 

Velasco notes that the Revised Penal Code provisions on libel are 82 years old and are outmoded. Indeed they are—but in the sense that the penalties they mandate, including imprisonment, are antithetical not only to press freedom but also to the democratic need of citizens for information on matters of public interest. Rather than increase the penalties for libel, an enterprise that can only be described as retrogressive, Velasco’s energies are better spent decriminalizing it.

Senate Bill (SB) 2965, the reconciled version of three House and Senate bills now entitled  “The Data Privacy Act”, would create a National Privacy Commission with the power to monitor the processing of personal information in all forms and media of communication, to halt the process in the name of privacy and national security, and to penalize violators, including private entities, government officials and agencies  as well as the media, for obtaining, or causing the release or publication of,  “personal information”.

Section 31 mandates that “The penalty of imprisonment ranging from two (2) years and four (4) months to five (5) years and a fine not less than Five Hundred Thousand Pesos (Php 500,000.00) but not more than Two Million Pesos (Php 2,000,000,000.00) shall be imposed in case of a breach of confidentiality where such breach has resulted in the information being published or reported by media. In this case, the responsible reporter, writer, president, publisher, manager and editor-in-chief shall be liable under this Act.”

SB 2965 defines  “personal information”  as “any information whether recorded in a material form or not, from which the identity of an individual is apparent or can be reasonably and ascertained by the entity holding the information, or when put together with other information would identify an individual.”  The definition would therefore include information vital to the imperatives of transparency and accountability in both government and those sectors of the private sector whose work has a bearing on public interest. SB 2965 is also contrary to the Freedom of Information (FOI) bill that has been submitted to the Congressional Committees on Public Information.

Not only media and journalists’ organizations must oppose SB 2965 and HB 5835. Human rights  organizations and accountability and transparency watch groups—every organization concerned with freedom of information, government accountability and with the right not only to disseminate but also to receive information-- must unite in preventing these and similar bills from passing the legislative mill, which, in contrast to the speed with which it has processed SB 2965, has failed to act on the FOI bill despite the painstaking efforts of its stakeholders, which include no less than the free press, free expression groups, and the entire Philippine citizenry.

Sunday, May 13, 2012

Carto sketch of suspects to the killing of Davao Oriental broadcaster

30-35 years old, 5'5" to 5'6" tall, slim built, white complexion

30-35 yeas old, 5'1" to 5'2" tall, slim built, white complexion

Huwag matakot sa kasong libelo, opisyal di kailangan ng protetksyon



Atty. Jesus Ricardo Degala

MALOLOS—Hindi dapat matakot ang mga mamamahayag sa kasong libelo, samantalang ipinaalala niya ang pagiging responsible sa pagtupad sa tungkulin, ayon sa kinatawan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Bulacan Chapter.

Iginiit pa niya na ang pagsasampa ng kasong libelo ang huling depensa laban sa mga mamamahayag, ngunit hindi naman ito kailangan ng mga opisyal.

Ipinaalala naman ni Father Dars Cabral na ang journalism code of ethics ay hindi lamang tumutukoy sa parusa kaugnay ng nagawang pagkakasala, sa halip ay upang makagawa ng mabuti at mapaunlad ang pamamahayag.

Kaugnay nito, iminungkahi ng Natonal Union of Journalists of the Philippines (NUJP) Bulacan chapter ang pagbubuo ng Citizens Press council sa Bulacan di lamang upang magsilbing sumbungan ng mga reklamo mula sa mga inabuso ng mga mamamahayag, kundi upang magsilbi ring tagapagsulong ng pagpapaunlad sa pamamahayag sa lalawigan.

Sa kanyang talumpati sa mga dumalo sa pagdiriwang ng World Press Freedom Day noong Biyernes, Mayo 4, sinabi ni Abogado Jesus Ricardo Degala na hindi basta masasampahan ng kasong libelo ang mga responsableng mamamahayag.

“Don’t be scared, hanggat ang ginagawa ninyo ay pinupuna ninyo ang aksyon ng isang public officer in the exercise of their official function, you cannot be sued for libel, of course you can be sued, but having a conviction is another story,” ani Degala na nagsilbing tagapagsalita sa talakayang isinagawa kaugnay ng taunang pagdiriwangna ang tema ay “decriminalization of libel law.”

Ang talakayan ay isinagawa sa Bulacan State University (BulSU) Speech Laboratory.

Sinabi ni Degala na ang libelo ay nakapaloob sa article 353 ng Revised Penal Code ng Bansa na pinagtibay ng Kongreso noong 1932 na inilarawa niyang luma na sa pamamagitan ng mga katagang “jurrasic age na yan.”

Bilang kasapi ng IBP-Bulacan, nagpahayag ng paninindigan si Degala na dapat ng baguhin ang nasabing batas, hindi lamang sa pagiging luma, kungdi dahil sa ito ay lumalabag sa pandaigdigang kasunduan na nilagdaan ng Pilipinas.

Batay sa desisyon ng United Nations Commissionon Human Rights (UNCHR), ang batas sa kasong libelo sa bansa ay dapat i-decriminalize sapagkat ito ay hindi nakakatugon at lumalabag na sa probisyon ng International Convention on Civil and Political rights, kung saan ay nakapaloob ang malayang pagpapahayag at pamamahayag.

Dahil dito, ipinayo ng UNCHR sa Pilipinas na magsagawa ng mga hakbang upang baguhin ang nasabing batas at maging akma.

Ngunit ayon kay Degala, isang kasapi ng UNCHR monitoring committee sa mga international treay ang nagpahayag na hindi lamang dapat  himukin ang Pilipinas upang baguhin ang batas sa kasong libelo, sa halip ay dapat pilitin ang bansa.

“If you look at it at from the point of view of a journalist, that’s a victory;  but from the point of a lawyer, it’s a shameful decision,” ani Degala na isang ring konsehal ng lungsod ng Malolos.

Ito ay dahil sa ang Pilipinas ay isa sa mga lumagda sa pandaigdigang kasunduan, at ayon kay Degala dapat sundi ng bansa ang pangunahing prinsipyo ng batas na nagsasabing anumang kasunduan ang nilagdaan ng boluntaryo, ito ay dapat tuparin ng maluwag sa kalooban.

“Kahit non-binding ang decision ng UN body, all parties need b compelled, but we have to comply in good faith,” ani ng abogado.

Dagdag pa ni Degala, “iyon ang nakakalungkot sa akin, bakit kailanngan pang pukpukin natin ang gobyerno sa tungkulin natin na dapat ginampanan natin in good faith.”

Sa kasalukuyan, sinabi ni Degala na walang pang ginagawang hakbang ang Kongreso at Senado hinggil pagbabago ng batasa na sumasakop sa kasong libelo.

Ipinaliwanag niya na, “makapal na mukha ng mga public official ngayon, din a kailangan proteksyon ng libel. Siguro yun ang dahilan kaya ayaw i-decriminalize ang libel because it is their last defense sa mga pumupuna sa kanilang gawain.”

Kaugnay nga nasabing talakayan, ipinaalala ni Fr. Dars Cabral, ang direktor ng Commission on Social Communications ng Diyosesis ng Malolos na hindi maaaring magpatuloyang sangkatauhan na walang pinapahalagahan.

Ipinaalala niya na ang tao ay pinagpapahalagahan ng Diyos bilang sentro ng Kanyang sangnilikha, at nararapat ding pahagahan ng mga mamamahayag ang mga mamamayan.

Ayonkay Cabral, may mga pagkakataon na mas nabibigyang pagpapahalaga ng mga mamamahayag ang istoryang susulatin at taong kakapanayamin, ngunit hindi ang mga taong babasa, makikinig at manonood sa balita.

Inihalimbawa noiya ang mga madudugong imahe ng pamamaslang na nalalathala o naisasahimappawid sa telebiyson.

Ayon sa pari, sa ibayong dagat ang mga katulad na imahe ay hindi ipinakikita, sa halip ay tinatakpan bilang pagpapahalaga sa dignidad ng biktima at ng mambabasa at tagapanood.

Ipinaalala rin niya ang pagsunod sa journalism code of ethics at binigyang diin na ang nilalaman non ay hindi lamang parusa sa pagkakamali o pagkukulan, kundi isang hamon para sa mas mataas at makabuluhang pamamahayag.

Hinggil sa nakagwian ng ilang mamamahayag na pagbatikos sa pagnanais na magbago ang lipunan, sinabi ni Cabral na “gusto nating baguhin ang lahat pati Presidente, pero bilang isang manunulat, nagbabago ba tayo, nag-iimprove ba tayo, we want to change the whole sytem, but our own system is chaotic.”

Kaugnay nito, ipinaliwanag ng NUJP-Bulacan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Citizen Press Council at imunungkahing pagbubuo nito sa Bulacan.

Ang citizen press council ay nagsusulong ng pananagutan ng mamamahayag sa mga mamamayan.  Ito ay nagsisilbing sumbungan ng mamamayan upang maituwid ang pagkakamali at pag-abuso ilang mamamahayag.

Isang halimbawa nito ay ang Cebu Citizens Press Council (CCPC)na bukod sa pagiging sumbungan ay nagsusulong din ng pagpapataas ng natas ng kakayahan ng mamamahayag para sa mas makabuluhang pamamamhayag.

Ang mga press council ay binubuo ng mga patnugot ng mga pahayagan o mamamahayag, nga guro ng pamamahayag, at mga kinatawan g ibat-ibang sektor.

Ito ay nangangahulugan na pagiging bukas ng mga mamamahayag sa mga puna ng pamayanang pinaglilingkuran.

Samantala, magkakasama rin binigkas ng mga dumalo sa nasabing talakayan Panata ng Bulakenyong mamamahayag na inihanda ng NUJP-Bulacan at tagapagugnay ng Philippine Press Institiute sa lalawigan. 

Bahagi nito ay nagsasaad ng “Ako ay Bulakenyong mamamahayag, karangalan ko na mapabilang sa mga inapo sa simulain at pangarap  ni Gat Marcelo H. Del Pilar.”

“Ako ay naninindigan para sa malaya at responsableng pamamahayag, patas at balanse, tapat sa katotohanan, may pananagutan sa mamamayan at higit sa lahat, may takot Diyos.”

Ang talakayan ay inorganisa  ng PPI, kasama ang Philippine Press Council at NUJP, sa pakikipagtulungan ng Bulacan State University at pagsuporta ng embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas.  (Dino Balabo)

Thursday, May 10, 2012

NUJP welcomes TV5's decision to suspend Tulfo Brothers



The National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) welcomes the move of television network TV5 to suspend the three brothers of columnist Ramon Tulfo for threatening over their program celebrity couple Raymart Santiago and Claudine Barretto.

There is no excuse for the brazen threats of bodily harm made by Erwin, Ben and Raffy Tulfo over national television against the couple whose group figured in a brawl against Ramon Tulfo last Sunday at the Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

No amount of provocation warrants the uncalled for reaction especially from those who call themselves journalists and after Ramon Tulfo had already filed a criminal complaint against the couple.

We urge the network to continue monitoring the program and actions of the brothers to ensure that they will not repeat their irresponsible acts.

STATEMENT On the May 6 NAIA incident: Public incidents merit coverage



We at the National Union of Journalists of the Philippines maintain that there was nothing wrong in his taking of photographs of actress Claudine Barretto giving an airline staff a dressing down at the terminal of the Ninoy Aquino International Airport (NAIA3) on May 6.

Barretto and her husband are celebrities and are thus, public figures. They were also in a public place and were involved in a commotion making the incident legitimate for coverage.

Tulfo was also right in not handing over his phone camera. No one has the right to forcibly take a person’s camera or phone especially of a journalist documenting a public incident.

The matter on who started the violence should be left to the investigation of authorities who should file the appropriate charges on those found liable.


Reference
Nestor Burgos Jr.
Chairperson


Tuesday, May 8, 2012

Brodkaster uli bulagta sa tandem



Nina Malu Manar at Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon)

KIDAPAWAN CITY, Philippines - Isa na namang brodkaster ang  napatay matapos pagbaba rilin ng riding-in-tandem sa Barangay Bitan-agan, Mati City, Davao Oriental kahapon ng hapon.

Pitong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Nestor Libaton, 45, anchorman/reporter ng dxHMAM radio na nakabase sa nasabing lungsod.

Ayon sa police report, pa uwi na ang biktimang nakamotorsiklo kaangkas ang isa pang reporter na si Eldon Cruz mula sa piyesta sa Barangay Ompao sa bayan ng Tarragona, Davao Oriental nang maganap ang pamamaril.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na sinundan ng tandem ang biktima mula sa Barangay Ompao at pag s apit sa may Barangay Enrique Lopez sa Mati City ay bumaba ang biktima at kinumpronta ang sakay ng motorsiklong sumusunod sa kanila.

Sa halip na sumagot ay niratrat ang biktima habang di-naman ginalaw si Cruz, ayon pa sa report.

Sa phone interview kay Nella Duallo, news writer ng nasabing radio station walang nababanggit sa kanila si Libaton na kaaway at hindi rin aniya ito hard hitting na anchorman.

 “Mabuti ho siyang tao, wala naman kaming alam na kaaway niya,” ani Duallo kasabay ng pag-apela sa ­mga awtoridad na masusing imbestigahan ang kaso upang matukoy at maaresto ang gunmen.

Nangako si Mati City Ma yor Michelle Rabat na gagawin ang lahat para makamit ng pamilya ni Libaton ang hustisya.

Friday, May 4, 2012

Panata ng Bulakenyong mamamahayag




Ako ay Bulakenyo, tagapagmana ng mabunying simulain at pangarap ni Gat Marcelo H. Del Pilar

Ako ay mamamahayag at guro ng lipunan, tagapaghasik ng liwanag sa pamamagitan ng paghahatid ng kaalamang nagbibigay ng dagdag na kakayahan sa mamamayan.

Ako ay naninindigan na ang karapatang mabuhay, karapatang magpahayag,
at karapatan sa malayang pamamahayag ay pawang mga batayang karapatan na
ginagarantiyahan ng Saligang Batas ng Pilipinas, at itinataguyod ng mga pangdaigdigang kasunduan at resolusyon.

Na ang pamamaslang sa mga mamamahayag partikular na ang mga biktima sa Maguindanao masaker ay tahasang pagyurak sa mga karapatang ito.

Na ang walang habas na pamamaslang at kawalan ng napaparusahan sa mga kasong katulad ay kaakibat ng usapin ng warlordism, private armies, korapsyon, kawalan ng transparency sa pamamahala at iba pang suliranin.

Na ang katarungan makakamit lamang kung mga mamamahayag at mamamayan ay mahigpit na magkakaisa, maninindigan at magbabantay laban sa mga usaping ito.

Ako ay nangangako ay gagawin lahat ng makakaya para makamit ang katarungan, hindi lamang para sa mga biktima sa Maguindanao masaker, kungdi sa lahat ng biktima ng pamamaslang,

Isusulong ang malayang pamamahayag na nagtataguyod ng interes ng mamamayan, mamamahayag na lumalaban at nagtatanggol sa karapatang mabuhay, at kalayaan sa mamamahayag, at tutulan ng buong lakas ang anumang tangka na supilin ang mga karapatang ito alang-alang sa mga naging biktima at sa mga susunod na salinlahi..

Ako ay Bulakenyong mamamahayag, karangalan ko na mapabilang sa mga inapo sa simulain at pangarap  ni Gat Marcelo H. Del Pilar.

Ako ay naninindigan para sa malaya at responsableng pamamahayag, patas at balanse, tapat sa katotohanan, may pananagutan sa mamamayan at higit sa lahat, may takot Diyos.

Katungkulan ng mamamahayag



(Pooled editorial na inihanda ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) Bulacan Chapter kaugnay ng pagdiriwang sa Pangdaigdigang Araw ng Malayang Pamamahayag ngayong Mayo 4, 2012 sa Bulacan State University, Lungsod ng Malolos, Bulacan.)

Sa kaliwa o sa kanan, harap at likod, maging mula  sa itaas at ibaba.  Sa lahat ng direksyong iyan nagmumula ang mga banta sa mga mamamahayag sa bansa.

Ibat-iba ang mukha nito. May naka-bonet at hawak na baril, may nakangiti ngunit unti-unting nanggigipit sa trabaho’t kabuhayan.  May nakasimangot din na nagbabadya ng pagsasampa ng kasong libelo na nananatili pa rin sa kategoryang kriminal.

Karaniwan sa mga nasa likod ng mga mukhang ito ay mga taong balat sibuyas, mga diyos-diyosang may madilim na kasalukuyan at nakaraan na ninanais ilihim sa mata ng madla.

Ang iba naman ay nakakatulad ni Hudas Iskariote na sa ilang piraso ng pilak ay handang maging kasangkapan ng karahasan, o kaya’y ipagkanulo ang mabunying simulain at pangaraap na nagtulak kay Gat Marcelo H. Del Pilar upang maging isa sa mga nagsakripisyong susi ng ating kalayaan.

Sa kabila ng mga kalagayang ito, hindi pa rin maampat ang paghahangad ng di mabilang na kabataan ngayon na maging isang bantog na mamamahayag sa darating na panahon kung saan ay inaasahang higit na lalawak ang larangan bunsod ng umuunlad na teknolohiya.

Ito ay isang malinaw na kabalintunaan: Hindi masawata ang pagbabanta sa malayang pamamahayag, at isa-isang nabubuwal sa karahasan sa mga mamamahayag dahil sa pagtatangka nila tanglawan ng liwanag ng katotohanan ang madilim na lihim ng ilang diyos-diyosan, samantalang ang iba ay binubusalan sa pamamagitan ng pagsasampa ng kasong libelo; ngunit patuloy ang pagdagsa ng mga kabataang nangangahas maging isang mamamahayag.

Bukod dito, patuloy ang paglawak ng larangan ng pamamahayag, ngunit unti-unti ring nababawasan ang tiwala ng mamamayan sa kakayahan at kredibilidad ng mga mamamahayag ngayon maliban sa ilang maningning na halimbawa.

Kung lilingunin natin ang kinabukasan, nakakapangamba ito. Lalo na kung tayo ay hindi kikilos at magkakaisa ngayon upang itaguyod ang responsable at malayang pamamahayag, patas at balanse, tapat sa katotohanan, may pananagutan sa mamamayan at higit sa lahat, may takot Diyos.

Tandaan natin.  Ang bukas ay bunga lamang ng ating sama-samang pagkilos at paninindigan ngayon.

Sa ating paggunita ngayon sa pandaidigang araw ng malayang pamamahayag, isaisip din natin na tayo ay pananagutan hindi lamang sa susunod na salinlahi ng mamamahayag, kungdi maging sa susunod na lahi ng sambayanang Bulakenyo at Pilipino na tagapagmana rin ng dakilang simulain at pangarap ni Gat Marcelo H. Del Pilar para sa isang malaya, nagkakaisa, naninindigan at maunlad na bansa. 

Ito po ay hindi isang hamon.  Ito katungkulan bilang isang mamamayan, mamamahayag at guro ng lipunan.

Wednesday, May 2, 2012

PROMDI: Ang talangka ni PNoy



By Dino Balabo
 “Nasa alaala ko pa po ang kuwento ng mga Pilipinong alimango. Siguro po narinig na ito ng ilan sa inyo: sa loob daw po ng isang bar, umiinom ang isang Amerikano.

Pumasok ang isang mangingisdang Pilipino na may dalang timba na puno ng alimango. Ibinaba niya ito; ang sabi ng Amerikano: “Buddy, your crabs are about to escape.” Ang sagot naman ng Pilipino:

“Don’t bother; they’re Filipino crabs. Before they get out they’ll be pulled in.” Walang makakaangat, kasi lahat sila naghahatakan pababa. Habang pinipilit ng ilang kababayan nating makaahon, siya namang sipag ng ilan na hilain siya pababa.”

Ito ang pambungad na pananalita ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa talumpating binigas sa pagbubukas ng dalawang araw na Philippine Press Institute National Press Forum (PPI-NPF) na isinasagawasa Traders Hotel Manila noong Abril 23 at 24.

Hindi ko alam kung saang kagubatang kongreto isinilang at lumaki ang speech writer ni PNoy.

Ako po ay isinilang sa bukirin ng Hagonoy, at limang taon pa lamang ay naghuhuli na ng talangka sa bukid kung buwan ng Hunyo hanggang Setyembre noong Dekada 70.

Sa kaalaman ng marami, may tatlong paraan kaming ginagamit noon maramihang paghuli ng talangka.

Una ay sa pamamagitan ng bintol. Ito yung pinag-ekis na maikling kawayan na may lambat sa ilalim at may paing isda. Inilulubog ito sa tubig sa bukid, palaisdaan o sapa. Pagkaraan ng ilang minuto ay pinapandaw at ang mga talangka ay isinasalin sa timba.

Ikalawa ay sa pamamagitan ng lambat o bukatot na nakauman sa ilog, sapa o kaya ay sa prinsa ng bukid o palaisdaan.

Ikatlo ay sa pamamagitan ng “tabong bikbik” o bao ng niyog na may pain na basang darak. Inilulubog ito sa tubig ng bukid o palaisdaan.

Marami ang tabong bikbik, nakahilera ito ng may dalawa hanggang tatlong metro ang bawat isa. Dahil nakalubog sa tubig, kailangang tarawan ito ng pinutol na tambo o kinayas na kawayan upang matukoy kung saan nakalubog.

Okey, suriin muna natin ang pambungad na saknong ng talumpating binigkas ni PNoy. Malamang hindi siya ang sumulat nito, tiyak na speech writer lang.

Pero may problema po ang speech writer ni PNoy dahil hindi magkakaungay ang binanggit na impormasyon.

Una, binanggit sa talumpati ni Pnoy ay ang kuwento ng “Pilipinong alimango” na nag-aakyatan sa labi ng timba.

Tapos ay ininglis at ang sabi ay “they’re Filipino crabs.” Tama po ang translation di ba? Alimango, tapos “crabs.”

Pero kung susuriin natin ang kuwento, makikita natin ang mali. Ang alimango ay ang malalaki at bruskong pinsan ng mga talangka, di po ba?

Eto ang mali sa kuwento. Sumasampa daw palabas ng timba yun alimango. Posible, pero sa mahabang panahon, ang mga alimango ay hindi dinadala sa bar o ibinebenta ng hindi nakatali.

Kaya nga po sa Hagonoy, may kasabihan na ang pinakamalas na lamang-dagat sa buong mundo ay ang alimango. Minsan lang daw makarating sa palengke ay nakagapos pa.

Eh bakit po hindi igagapos ang alimango, sa laki ng mga sipit noon, pag nasipit ang anumang nakalawit sa iyo ay kayang putulin.

So, lumalabas po na iba yung alimango at crabs na binanggit ni Pnoy sa kanyang talumpati.

Malaki ang posibilidad na yung timba sa alimango na dinala sa bar na nakita ng Amerikano ay di alimango, sa halip ay mga talangka lamang.

Imposible po talagang na alimango yung nasa timba. Kasi nga, ang mga alimango ay iginagapos at tinatangkas pagnahuli ng mangingisda.

Isipin na lang ninyo, paano makakaakyat sa labi ng timba yung nakagapos at naka-tangkas na alimango?

Ito po ang problema sa ilang speech writer, hindi sinusuri ang kwentong sinusulat. Tapos pinalabas pa ni Pnoy na bata pa siya ng marinoig ang kuwentong iyan.

Lumalabas po na ang nasabing kuwento ay gawa-gawa lamang upang iakma sa pananaw na “crab mentality.”

Hindi rin natin masasabing absuwelto si Pnoy sa maling speech na ipinabasa sa kanya ng kanyang speech writer.

Hindi muna niya inunawa yung kuwento. Iyan ang hirap kapag ang nagsasalita at nagkukuwento ay sa tubuhan at hindi sa bukid lumaki.

Kaya po sa susunod, kung sinuman sa atin ang magkukuwento o gagamit na halimbawa sa crab mentality ng mga Pilipino pag-isipan muna po natin.

Mukha pong pananaw ng mayaman ang ipinaglalaban sa kuwento ng crab mentality at hindi ang pag-uugalit sikolohiya ng samabayang Pilipino.

Nakalulungkot, sa mahabang panahon ay tinanggap natin ang pananaw na ito upang pigilan tayo sa “pagbatikos” o pagtawag pansin sa mga namumuno.

Panahon napo upang malaman natin ang dalawang perspektino sa pananaw na “crab mentality. Abangan po ninyo iyan sa susunod na edisyon.

Monday, April 30, 2012

World Press Freedom Day posters






ang mga poster at cartoons sa pahinang ito ay nagmula sa World Association of Newspapers (www.wan-ifra.org)

Sunday, April 29, 2012

PPI partners with US Embassy for World Press Freedom Day celebration




For the first time, the Embassy of the United States in Manila has partnered with the Philippine Press Institute in conducting simultaneous programs in seven areas for the World Press Freedom Day.

On May 4, various programs will be conducted in Manila, Cebu, Davao, Bulacan, Gen. Santos, Baguio, and Cagayan de Oro with PPI members in said areas at the helm. The main focus of each program is decriminalizing libel which is an offshoot of the two forums on the subject conducted at the University of the Philippines College of Law and Orchid Garden Suites organized by the PPI and the Philippine Press Council. The third leg should build on initiatives from the two forums in providing venues to further discuss libel and other topics that affect the media industry.

Other topics such as the freedom of information act, killings of journalists, ethics, media accountability, right of reply, and press freedom are a host of media-related subjects that can be chosen by each area as attendant or accompanying segment for its own program.

The World Press Freedom Day activity is the first regional initiative following the 16th National Press Forum from April 23 to 24 at Traders Hotel Manila, which among other topics, also discussed libel in the industry forum.

The U.S. Embassy found it an advantage to be conducting the programs in the areas that have American Corners in De La Salle University-Manila, St. Louis University in Baguio, University of San Carlos in Cebu, Xavier University in Cagayan de Oro, and Ateneo de Davao University which are venues for the simultaneous celebrations. Bulacan will have Bulacan State University and Notre Dame University in Gen. Santos as partner-universities.

In Manila, U.S. Embassy press and information officer Tina Malone will give the opening remarks.

On January 31 this year, the United Nations Human Rights Committee (UNHRC) released a resolution declaring the country’s libel law discordant with the provision in the International Covenant on Civil and Political Rights that upholds free expression as a right. The Philippine is the lone signatory of the international protocol in Southeast Asia. The Committee holds the country’s dated and draconian criminal libel law “incompatible with Article 19, paragraph 3 of the ICCPR” or freedom of expression.

( First posted at www.philpressintitute.com)

Decriminalization of libel, tampok sa talakayan sa World Press Freedom Day



MALOLOS—Tampok ang decriminalization of libel sa isasagawang talakayan sa Bulacan State University (BulSU) sa Biyernes, Mayo 4 bilang bahagi ng sabayang paggunita sa World Press Freedom Day (WPFD).

Kaugnay nito, ipinayo ng isa sa mga abogadong tagapagtatag ng Center for International Law (CenterLaw)  na dapat paigtingin ng mga mamamahayag ang pag-aamyenda sa batas na sumasakop sa paglilitis ng kasong libelo.

Inaasahang aabot sa halos 100 mamamahayag, mga guro at mag-aaral ng pamamahayag sa Bulacan ang lalahok sa pagsasagawa ng talakayan hinggil sa decriminalization of libel

Ito ay isasagawa sa Speech Laboratory ng BulSU na matatagpuan  sa ikalawang palapag ng Federizo Hall.  Ang talakayan ay magsisimula sa ganap na ika-1 ng hapon sa Marso 4.

Ayon kay Rommel Ramos, pangalawang taga-pangulo ng  National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) Bulacan chapter, ang talakayan ay naglalayong maipaliwanag ang kasong libelo.

“Napapanahon na maunawaan ang kasong libel dahil ito ay nagsisilbing hadlang sa malayang pamamahayg,” ani Ramos.

Iginiit pa niya na habang umuunlad ang teknolohiya, dumarami ang mga taong gumagamit ng internet at nagpapahayag ng mga komentong walang pakundangan sa mga social networking sites sa pananaw na walang libelo sa internet.

“Maraming misconceptions sa libel, kaya importanteng makadalo at makapakinig sa talakayan partikular na ang mga guro at mag-aaral ng pamamahayag upang malaman nila kung paano ito iiwasan at haharapin,” ani Ramos na siyang station manager ng Radyo Bulacan at isa ring mag-aaral ng batas sa BulSU Law School.

Para naman kay Maria Bundoc-Ocampo, ang tagapaglathala ng pahayagang Punla, hindi biro ang makasuhan ng libelo.

Iginiit niya na ito ay dahil sa ang kasong libelo ay nasa kategorya pa ng kasong kriminal.

“Yung proseso ng pagsasampa at paglilitis sa libel ay katulad ng sa mga criminal cases, kapag natukoy na may probable cause o malice, kasunod na ang warrant of arrest, at kung wala kang pang piyansa, kulon ka agad,” ani Bundoc-Ocampo na nakaranas na ring makasuhan ng libelobilang isang dating patnugot sa isang pahayagang pag-araw-araw.

Ang talakayan para sa Decriminalization of Libel ay inorganisa ng Philippine Press Institute (PPI), at Philippine Press Council (PPC) sa pakikipatulungan ng National Unionof Journalists of the Philippines (NUJP).

Ito ay suportado ng Embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas, bilang bahagi ng pagdiriwang ng WPFD sa Mayo 4.

Una rito, sinabi ni  Abogado Joel Butuyan, isa sa dalawang abogadong nagtatag ng Center Law na dapat na lalong paigtingin ng mga mamamahayag ang kampanya para sa decriminalization of libel.

Sa kanyang talumpati sa mga lumahok sa katatapos na PPI National Press Forum na isinagawa sa Traders Hotel noong Abril 24, sinabi ni Butuyan nang kasong libelo ay nakapaloob sa Revised Penal Code (RPC) ng Pilipinas na ponagtibay 82 taon na ang nakakaraan.

Ito ay may sentensiyang anim na buwan at

Ngunit sa kaso ng brodkaster na si Alexander Adonis ng Lungsod ng Davao, siya ay nahatulad at nabilanggo noong 2007 dahil sa pagsasahimpapawid sa kanyang programa sa radyo ng balitang nalathala sa pahayagang nakabase sa Maynila kung saan ay sinasabing si dating House Speaker at noo’t Kinatawan Prospero Nograles ay nahuling tumatalilis sa isang hotel ng hubo’t huban matapos mahuli ng asawa ng kanyang diumano’y kalaguyo.

Si Adonis ay binigyan ng parol noong 2008.

Ayon kay Butuyan, idineklara ng United Nations Human Rights Committee (UNHCR) na ang batas na sumasakop sa kasong libelo sa bansa ay lumalabag sa International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR) kung saan ang Pilipinas ay isa sa mga lumagda.

Ang deklarasyon ng UNHCR ay kaugnay ng reklamo ni Adonis.

Ayon kay Butuyan, isinasaad ng UNHCR’s General Commentary 34 ang sumusunod, “Defamation laws must be crafted with care to ensure that they comply with paragraph 3, and that they do not serve, in practice, to stifle freedom of expression.”

Isinasaad naman ng paragraph 3 ang susmusunod: “Freedom of expression is a necessary condition for the realization of the principles of transparency and accountability that are, in turn, essential for the promotion and protection of human rights.

“Ang hamon sa mga mamamahayag ngayon ay kumbinsihin ang gobyerno sa isinasaad ng UNHRC vsa pamamagitan ng lehislasyon” ani Butuyan. (Dino Balabo)