MALOLOS—Tatlong
mamamahayag sa Bulacan kabilang ang mamamahayag ng Mabuhay ang pinarangalan ng Bulacan State University
(BulSU) dahil sa kanilang kontribusyon sa journalism education.
Sila ay sina Romulo Maturingan ng GMA News Network, Carmela
Reyes-Estrope ng Philippine Daily Inquirer, at si Dino Balabo ng
pahayagang ito.
Ang tatlong mamamahayag ay pawang part-time instructor sa BulSU
College of Arts and Letters. (CAL).
Sila ay tumanggap ng parangal kaugnay pagtatapos ng pagdiwang ng
CAL Week noong Pebrero 17.
Ayon kay Florentino Pineda Jr., tagapangulo ng BulSU-CAL
Department of Mass Communications and Performing Arts, ang tatlong mamamahayag
ay pinarangalan dahil sa kanilang karanasan, kakayahan, at sakripisyo sa
pagpapaunlad ng kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral ng pamamahayag.
“They all served as an inspiration to our students and help
enhance their potentials,” ani Pineda.
Batay sa tala, si Maturingan ay nagsimulang magturo sa BulSU –CAL noong nakaraang kung
saan ang mga tinuruan niya ay mga broadcasting majors.
Siya ay naging mamamahayag sa ibat-ibang pahayagan, bago naging isa
sa mga desk editor sa GMA Network.
Sina Reyes-Estrope at Balabo naman ay nagsimulang magturo sa
BulSU-Cal noong 2010.
Si Reyes-Estrope ay correspondent ng Philippine Daily Inquirer
sa Bulacan ay punong patnugot ng NewsCore, isang pahayagang lokal.
Siya ay dalawang beses na tumanggap ng parangal na Gawad
Plaridel mula sa pamahalaang panglalawigang ng Bulacan.
Bukod naman sa Mabuhay, ang mamamahayag na ito ay correspondent
din ng Philippine Star, Pilipino Star Ngayon, Central Luzon Businessweek, at
Punto Central Luzon.
Ang mamamahayag na ito ay isa ring brodkaster ng Radyo Bulacan
kung saan isinasahimpapawid ang kanyang palatuntunang “Puntong Bulacan, tuwing
umaga, mula alas-7 hanggang alas-8, Lunes hanggang Sabado.
Sa mga nagdaang taon, tumanggap din ang mamamahayag na ito ng mga
pagkilala bilang Civic Journalism Fellow ng Phlippine Press Institute (PPI),
Jaime V. Ongpin Journalism Fellow ng Center for Media Freedom and
Responsibility (CMFR), at Kuwento Katutubo Fellow ng Probe Media Foundation Inc.
No comments:
Post a Comment