Wednesday, March 7, 2012

Publisher ng Inquirer pumanaw, PPI nakidalamhati




MALOLOS—Ipinagdalamhati ng Philippine Press Institute (PPI) ang pagpanaw ni Isagani Yambot, ang publisher ng Philippine Daily Inquirer (PDI) noong Huwebes ng gabi, Marso 2.

Si Yambot ay pumanaw matapos atakehin sa puso ilang araw makaraang sumailalim sa quadruple heart by-pass.  Siya ay 79.

Ayon kay Ariel Sebellino, ang executive director ng PPI, ang pagpanaw ni Yambot ay kawalan para sa industriya ng pamamahayag.

Nagpalabas din ng opisyal na pahayag ang PPI na nagsasaad ng, “The Philippine Press Institute is deeply saddened by the passing of Isagani Yambot, a true journalist and gentlemen. He will be greatly missed by the profession.”

Bilang isang beteranong mamamhayag, si Yambot ay nasilbing punong patnugot ng PDI hanggang sa italaga bilang publisher.

Dalawang beses na nagsilbi bilang president at chairman of the board ng PPI si Yambot.

Sa panahon ng kanyang pagpanaw, si Yambot ay nagsisilbi bilang trustee ng PPI para sa National Capital Region.

Si Yambot ay pumanaw 11 buwan matapos pumanaw ang publisher at editor in chief ng Mabuhay na si Jose L. Pavia na nagsilbi ring executive director ng PPI.

Ang Mabuhay ay isa sa may 60 pahayagan sa bansa na kasapi ng PPI.

Bilang pambansang samahan ng mga pahayagan, ang PPI ay nakatakdang magsagawa ng National Press Forum sa darating na Abril 23.

No comments:

Post a Comment